MALOLOS, Bulacan (PIA) – Magsisilbing host ngayong linggo ang Bulacan ng ika-15 National Vegetable Congress and Agro-Industrial Exhibit na idaraos sa Capitol gym.
Ang Nobyembre 16-18 na aktibidad na may temang “Moving together towards the attainment of affordable and available food for every Filipino”, ay dadaluhan ng mahigit 500 na mga maggugulay, biyahero, consolidator at iba pa.
Umaasa naman si Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na magiging mabunga ang nasabing gawain upang higit na makapagbigay ng maraming oportunidad at kabuhayan sa mga Bulakenyo.
Kabilang sa mga magiging gawain ang pagbisita sa mga gulayan ng East-West Seed Company at Duran Farm.
Magkakaroon din ng talakayan hinggil sa Situationer of the Philippine Vegetable Industry, Breeding a New Generation of Vegetable Seeds for Food Sustainability, Seed Technology, New Technologies on Proper Post Harvest Handling on Vegetable in the Philippines, KROPS – Agriculture e-Commerce Made Easy, LGU Efforts in Developing the Local Vegetable Industry, at ang Daisy Duran Success Story.
Kabilang sa mga magiging panauhing pandangal sina Senador Cynthia Villar at Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Francis Panglinan.