Magsasampa ng kaso ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) laban sa tatlong hinihinalang illegal recruiters na nakabase sa Malate, Manila.
Ipinahayag kahapon ng POEA na ihahabla ng ahensiya sina Veronica Abalaos, Antonio Ansong, at Mirasol Agaton dahil sa pag-recruit ng mga taong naghahangad na magtrabaho sa ibang bansa kahit na wala silang lisensiya mula sa gobyerno.
Ang tatlong recruiters ay mga empleyado ng KBR International Agency Switzerland/AVA Documentation Services na nauna nang ipinasara matapos makumpirma ng POEA at Philippine National Police (PNP) na sangkot ito sa illegal recruitment.
Ayon sa isang POEA operative, nagre-recruit ang KBR ng waiters, construction workers, factory workers, and hotel workers para magtrabaho sa Switzerland, Brunei, Japan, Saudi Arabia, Qatar, New Zealand at Canada.
“It was also found in the surveillance operations that the agency does not collect placement fees but requires applicants to pay for medical examination and training fees,” sabi ng POEA.
Pinabulaanan ng mga naarestong KBR employees na nakagawa sila ng krimen, at ipinagpilitan nila na legal ang kanilang oprasyon.
“When confronted, the employees present during the closure of the agency denied they were recruiting workers and offered a business permit issued by the City of Manila in the name of AVA Documentation Services,” sabi ng POEA.
Sa kabila ng kanilang pagtanggi, sasampahan pa rin ng kaso ang tatlong suspek at ibang opisyal at tauhan ng KBR, ayon sa POEA. (Samuel Medenilla)