Isa pang tansong medalya ang idinagdag ng mga batang weightlifters ng bansa sa iniuwi nitong anim sa paglahok sa 18th Asian Youth (Boys’ & Girls’) Weightlifting Championships & 23rd Asian Junior Women’s & 30th Asian Junior Men’s Weightlifting Championships sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.
Ito ay mula sa kinukunsiderang susunod sa yapak ni 2016 Rio De Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na matagal nang miyembro ng national pool na isa pang Zamboangueña lifter na si Kristel Macrohon.
Si Macrohon, na ilang beses naging rekord holder sa mga weight categories sa PNYG-Batang Pinoy, ay nagwagi ng isang tanso upang idagdag sa tatlong tanso at tatlong pilak na medalyang naiuwi nang delegasyon mula Philippine Weightlifting Association (PWA) sa pamumuno ni Monico Puentevella at Elbert Atilano.
Tumapos si Macrohon na ikatlo sa clean and jerk sa Junior Girl’s 69 kilograms upang iuwi ang ikaapat na tansong medalya para sa bansa.
Napantayan ni Macrohon ang tanso din ni Rosegie Ramos sa Youth Girls’ 44 kilograms at dalawa mula kay Paolo Rivera Jr. sa Youth Boys’ 60 kilograms.
Tatlong tanso ang iniuwi ni Dessa Delos Santos sa Girls’ Youth 53kilograms ‘ snatch, clean and jerk at sa total.
Kabuuang 14 na batang lifters sa pagtuturo ni national coach Alfonsito Aldanete, Greg Colonia at Ramon Solis ang sumabak sa torneo na may 14 na bansang kasali. Kasama sa delegasyon sina Elbert at Cecilia Atila. (Angie Oredo)