All roads lead to the Santa Ana Park this Sunday to witness the staging of the 21st MARHO Championships Racing Festival.
Races start at 2:00p.m., kaya be early dahil sa unang karera pa lamang ay itatanghal na ang “P1.5 Million 4th Leg Juvenile Fillies Stakes Race.”
Itatakbo sa layung 1,600 Meters, ang mga magpapanagupa rito para sa top prize of P900,000 ay ang pambato ni H.S. Esguerra na Bossa Nova, P.P. Uy’s White Chocolate at R.G. Inigo’s Smoking Saturday.
Ang 4 entries naman sa P1.5 Million “4th Leg Juvenile Colts Stakes Race” ay ang mga 2YO’s Indiana Sky ni J.C. Dyhengco, Biglang Buhos ng Stony Road Horse, Alfie ni J.A.C. Dischaves at Sepfourtee ng S.C. Stockfarm Inc.
Sa P1-Million “Grand Sprint Championship” naman ay magpapangita ang couple entry ni N.O. Morales na Hugo Bozz at Don Albertini, Benhur Abalos, Jr. Malaya, at S.C. Stockfarm’s Showtime.
Ang R1-Million San Miguel Corporation Classic na itatakbo sa makapatid hiningang rutang 2,000 Meters ay paglalaban-labanan ng couple entry ni B.C. Abalos, Jr.’s na Gentle Strength/Lakan, R.G. Ragudan’s Hot And Spicy, at B.A. Abalos, III’s Kanlaon.
Sa mga di nakadalo ng pakarera ng San Lazaro kahapon (Friday), ang 1st set ng WTA covering Races 1 to 7, ay nagbigay ng P6,879.20 at ang 2nd set nito (R3-9) ay may premyo naming P4,785.80.
Nagsipanalo rito from Race 1 to 9, ayon sa pagkakasunod-sunod ay ang Striker’s Symbol, Jazz Again, Precious Jewel, Airborne Magic, Artistic Star, Tan Goal, Whatzap, Princess Jo at Wanderlast or combinations 6-4-3-4-5-7-1-2.
So there, see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta. (Johnny Decena)
Good Luck!!!