Kinidnap ng limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang dalawang mangingisdang Indonesian sa dagat ng Sabah noong Sabado.
Nakaalerto ngayon ang ground at naval units ng Armed Forces of the Philippines upang tugisin ang mga suspect at mailigtas ang mga biktima na patungo umano sa southern Philippines.
βThe gunmen and their victims sped off towards the southern Philippines,β ayon kay Armed Forces Wesmincom spokesman Major Filemon Tan.
Ang mga biktima ay lulan ng isang Malaysian-registered fishing trawler nang sila ay tangayin.
Ang Abu Sayyaf na may separatist agenda at supporter ng Islamic State at al-Qaeda ay kumikilos sa Sulu archipelago malapit sa Malaysia.
Iniutos kamakailan ni President Duterte sa Armed Forces na durugin na ang Abu Sayyaf pero patuloy pa rin sila kanilang mga illegal na gawain. (Reuters)