Isinisulong ni Senator. Cynthia A. Villar ang development ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA) bilang alternatibong pasyalan para sa urban dwellers at mga turista, at maging kakumpetensiya ng shopping malls at iba pang air-conditioned structures sa Metro Manila.
“This way, we can raise awareness on the value of LPPCHEA to flora and fauna and the surrounding communities,” sabi ni Villar.
Ang LPPCHEA ay isang 175-hectare mangrove forest at marine habitat sa Manila Bay na nagsisilbing sanctuary ng 84 uri ng ibon, kasama na ang migratory birds mula pa sa Siberia.
Tahanan ito ng ng globally-threatened Philippine duck and Chinese egret. Nagsisilbi rin itong pangitlugan ng mga isda.
Ang 36-hectare mangrove forest dito ay may 11 uri ng bakawan. Kamakailan lamang, bumisita si Villar, chairwoman ng Senate environment and natural resources committee, sa China sa imbitasyon ng Chinese Embassy.
Dahil dito, sinabi ng senadora na nagkaroon siya ng pagkakataon na bisitahin ang mga wetland na pinaunlad ng China.
Isa na rito ang eight-hectare Hong Kong Wetland Park sa Central Hong Kong na tinaguriang “an oasis of green in an urban setting”.
Mayroon itong aviary, greenhouse, fountains, lily ponds, playgrounds, restaurant at isang marriage registry. Dito rin matatagpuan ang Flagstaff House Museum of Tea Ware at the Hong Kong Visual Arts Centre.
Mayroon itong taunang programa para sa mga mag-aaral. (Mario Casayuran)