Iminungkahi ni British Ambassador to the Philippines Asif Anwar Ahmad na isailalim ang mga drug users sa community-based treatment programs sa halip na dalhin sila sa mga kulungan matapos nilang sumuko sa mga awtoridad.
“People are drug dependent for whatever reason. In the end, they can be only treated either victim. There is no other way,” pahayag ni Ahmad nang kapanayamin siya sa kanyang tahanan sa Forbes Park, Makati City.
Dumalo ang mga representante ng iba’t ibang organisasyon noong Martes ng gabi sa “Service to the Community Reception,” na inihanda ng British Embassy bilang parangal sa mga kaalyado na sumusuporta pagpapa-unlad ng Pilipinas.
Ayon kay Ahmad, itinalaga ng Britain bilang mission chief sa Pilipinas noong 2013, mas mabuting solusyon sa drug problem na gamutin ang surrenderees at bigyan ng pagkakataong makapamuhay muli ng maayos sa lipunan.
(Raymund F. Antonio)