MALOLOS, Bulacan (PIA) – Nagtala ang Bulacan ng pinakamataas na pagbaba ng bilang ng kaso ng dengue sa buong Gitnang Luzon.
Base sa tala ng Department of Health-Regional Epidemiology Surveillance Unit, mula Enero 1 hanggang Nobyembre 19 ng taon ay bumaba ang kaso ng dengue sa Bulacan ng may 63 porsyento.
Mula sa 8,715 kaso noong nakaraan taon, umabot lamang sa 3,205 ang naging kaso nitong 2016.
Bumaba rin ng 45 porsyento mas mababa noong nakaraang taon ang kabuuang bilang ng dengue cases sa buong rehiyon.
Pumangala ang lalawigan ng Tarlac sa nagtala ng mababang bilang mula sa 5,989 nong nakaraang taon, 2,250 lamang ngayong 2016 o 62 porsyento pagbawas.
Sumunod ang Nueva Ecija na may 53 porsyento pagbaba, Zambales na may 47 porsyento, Aurora-35 porsyento at Pampanga-29 na porsyento.