HINDI pinalampas ng indie actor na si Ping Medina ang ginawang pambabastos sa kanya ng aktor na si Baron Gesiler habang nagsu-shoot sila ng pelikulang “Bugbog.”
Inihian ni Baron si Ping sa isang eksenang kukunan na wala naman daw sa script.
Sa sobrang galit ni Ping kay Baron ay nasuntok nito ang pader at nabali ang kanyang kamay.
Masama ang loob ni Ping kay Baron dahil sa ginawa niyang pambabastos na ito sa kanyang pagiging aktor. Isa si Ping sa tumulong kay Baron na muling pagkatiwalaan ng mga direktor kahit na may record ito ng pagiging unprofessional.
Ngayon isa na si Ping sa nakikiusap sa mga direktor na huwag nang kunin si Baron dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw ito nagbabago ng kanyang ugali pagdating sa pagtrabaho nang matino.
Heto ang bahagi ng mahabang post ni Ping sa Facebook kaugnay sa ginawang pambabastos ni Baron sa kanya:
“First time kong makausap si Baron nang hindi lasing. Kahit mabagal magsalita, naisip ko, kung ano man tinitira nito mas okay na to, kasi kalmado lang siya at may sense kausap. Imbis na alak, turmeric tea ang hawak mo.
“Sa totoo lang, matino ang usapan natin sa balcony. Kahit puro sarili mo lang ang pinag-uusapan natin, nag-enjoy naman ako sa pagbigay ng advice.
“Gusto mo na bumalik sa ABS at mag set ng meeting with madame Cory Vidanes no less. Sabi ko, go! Pero one time big time card yan. Pag nagloko ka, tapos ka na. Gusto mo rin i-try sa GMA. Sabi ko pwede ko kausapin si sir Jake Tordecillas.
“Pero aaminin ko, halos nalimutan ko na kung gaano ka ka-selfish. Kahit iibahin ko ang topic, like the recent MMFF controversy, somehow you always find a way to make the conversation about you. Na remind ako na nakakairita pa rin siya. Pero sige, pagbigyan ko na to.
“Iniwasan na muna kita. Pero kinulit mo ako na mag-lines, sige tara. Mahahaba ang lines ko. Kailangan rehearse. Pero habang nagre-rehearse tayo ay unti unti nabuo ang irita ko sa ’yo.
“Namumula ka na. Kilalang-kilala pag lasing ka na. Hindi mo ma-memorize ang kapiranggot mong lines. Kaya puro adlib bullshit ang ginawa mo na mali mali, tapos sa haba ng lines ko e naiirita na ’ko dahil distracting yung mga ginagawa mo.
“Ginawa natin ang eksena at natural, nilamon kita. Dahil magaling akong artista. Magaling ka rin naman, pero lasing ka. Kasalanan nino yun?
“Ito na yung mabigat na eksena: ang opening sequence ng pelikula kung saan ang chracter ko na informant ay dadalhin ng 3 pulis sa loob ng isang cargo crate. Babalutin ako ng packaging tape hanggang sa mag suffocate ako, sa style ng recent EJK killings.
“Ang gagawin mo lang dapat ito: papasok ka sa huli ng eksena, tatanggalin ang tape sa bibig ko, to silently listen to me beg for my life, tapos aalis ka na para iwanan ako sa 3 goons mo. Simple lang di ba?
“Nakagapos na ang mga kamay at paa ko. Nakaikot ang tape sa bibig ko para di makasigaw. Literal na hindi ako makagalaw. Naka prepare na ’ko emotionally dahil papatayin na ’ko rito. Right before mag-take dun may narinig akong sinabi ka: ‘May gagawin ako sa ’yo Ping ah. Sana wag ka magalit’
“Nag action na. Andun na ’ko sa eksena. Nakatali ako at literal binubuhat nila ako na parang suman dahil di talaga ako makagalaw. Sumisigaw ako at pumipiglas, kasi nga papatayin na ’ko.
“Nung hinagis ako ng 3 pulis sa sahig, pumasok na si tarantado. Tumayo siya sa tabi ko, hovering over me.
“Habang umiiyak ako, nagmamakaawa, di makagalaw dahil naka packaging tape ang kamay at paa at parang napansin ko:
binubuksan ba ni Baron ang zipper niya?
“Napakabilis ng pangyayari. Naramdaman ko na lang na may bumabasa sa dibdib ko. Medyo mainit at may amoy.
“Unti-unti kong na-realize na p____, ginagawa niya talaga ’to.
“Umagos ito. Basang-basa ang shirt ko. Umagos ito hanggang sa bibig ko. Buti may nakatakip na tape.
“Umiiwas na ako sa agos ng ihi, pero di ako makagalaw. Dapat nagmamakaawa ako sa eksena, pero ang nasasabi ko: p_____ ka! P_____ ka! P_____ ka! Sabi ko, dahil professional ako, sige tatapusin ko na ang eksena. Pero p_____ mo, yari ka sa ’kin.
“Cut! Pasukan sila direk at si mokong. Nung tinanggal ang tape sa bibig ko, ang una kong nasabi, p_____ mo hayop ka.
Pero sinigurado ko muna: totoong ihi ba yun?
“At this point, nag-umpisa na ang pag-init ng kamay ko. Sinubukan kong i-control with controlled breathing. Pinalabas ni direk si gago sa cargo container.
Sinusubukan ko talagang hindi pumutok. Pero di ko alam, isang beses lang nagdilim ang paningin ko sa buong buhay ko.
Dalawa lang yun: Susuntukin ko yung cargo container na gawa sa bakal O BABASAGIN KO YUNG MUKHA MO.
“BAM! Sinuntok ko ang pader na bakal. BAM! Sinipa ko yung kabila. Pero dahil sa sobrang galit ko, naglakad ako nang mabilis at sa sobrang bigat ng energy ko, nahati sa gitna ang mga tao nung palabas ako. Dumerecho ako sa kanya.
BINABASTOS MO AKO??? Hinahamon ko siya ng suntukan. Sinampal ko siya.
“Ang tanong ko ngayon sa inyo: ito ba ang klase ng taong gusto ninyo makatrabaho?
“Baron, ’t_____ mo. Hindi ka isang ganap na “actor”. Baron, ’t_____ mo, hindi ka tao. Mas mababa ka pa sa hayop. Kasi ang hayop hindi iniihian ang kapwa na nangingisi-ngisi pa ng patago. Nag enjoy ka sa ginawa mo!
“Dapat ang gagawin natin from now on pag tumatanggap ng project, tanungin muna, number one: KASAMA BA SI BARON GEISLER DITO???
Kaya pls lahat ng kasama ko sa industriya pakinggan n’yo ang panawagan ko.” (RUEL J. MENDOZA)