Siyamnaput tatlo sa 100 na laruang nabili ng isang toxic watchdog sa mga retailers sa Quezon City, Caloocan City, Makati City, Manila and Pasay City ay nadiskubreng mapanganib para sa mga bata dahil may mga maliliit na bahagi ang iyon na maaring makabulon kung sakaling aksidenting malulon.
Sa 100 laruan na nagkakahalaga ng P10 hanggang P200, nadiskubre ng EcoWaste Coalition na 20 sa mga iyon ay nagtataglay ng lead mula 103 hanggang 15,300 parts per million (ppm) na mas mataaas kaysa sa itinakdang antas na 90 ppm.
Sinabi pa ng grupo na 20 sa mga laruan na nabili ay may matatalim na bahagi, karamihan ay laruang kutsilyo at espada na maaaring makasugat; habang 18 naman ang maaring makatusok ng mata.
Dahil dito, nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga mamimili na piliin ang mga laruan na ligtas para sa mga bata. (Chito A. Chavez)