FOR the past three years, may birthday treat si QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista para sa entertainment press celebrators mula January hanggang December. Aniya, ipinagpapatuloy lang niya ang nasimulan ng namayapa niyang mommy (Baby Bautista) na naging malapit sa entertainment press noong nabu-buhay pa ito.
A few days ago, August hanggang December celebrators ang binigyan ng birthday treat ni Mayor Bistek. Wala lang siya dahil nasa Mexico para sa isang official trip kasama ang department heads. Ang bunso niyang kapatid na si Harlene ang nag-asikaso sa birthday celebrators.
Ginanap ’yun sa Salu restaurant na pag-aari nila ng husband niyang si Romnick Sarmenta. Wala ang huli dahil nag-proxy kay Mayor HB sa isang kasal.
Wala rin ang isa pang kapatid ni Mayor HB na si Hero. Dati’y magkakatulong silang magkakapatid sa pag-aasikaso sa birthday celebrators. Nasa isang undisclosed rehabilitation center ito kaugnay ng pag-amin nitong isa siyang drug user.
Ani Harlene, since August pa nasa rehab center si Hero at hindi pa nila nadadalaw. Pinagbabawalan pa raw sila ng doctor ni Hero.
Masaya ang birthday treat ni Mayor HB. Masarap ang Filipino food sa Salu resto. Ani Harlene, bukas sila mula 11 a.m. hanggang 11 p.m. May “gimmick” sila sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa Dec. 16. Magbubukas sila ng 5 a.m. at ang nakaugaliang bibingka at puto bungbong ang dagdag sa Filipino food na isine-serve. Matatagpuan ang Salu resto sa Scout Torillo corner Scout Fernandez, QC.
New friend
Bagong friend ni Kris Aquino si Maine Mendoza. Bukod dito, “magkapatid” na sila sa Triple A Management Company ni Mr. Antonio Tuviera.
Sabay silang nanood ng “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” noong Nov. 30. Special participation lang si Maine, pero na-excite pa rin si Kris panoorin ang movie.
Proud si Maine na nag-effort si Kris panoorin ang “EK10 and the Abangers.”
May mga nang-iintriga na kesyo kaya raw kinakaibigan ni Kris si Maine ay dahil sikat ito ngayon. Naungusan na raw ni Maine si Kris sa paramihan ng product endorsements.
Take note, lahat ng endorsements ni Maine ay tinatangkilik ng madlang pipol. Isa na rito ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino. Proud si Maine na top-selling tocino ito ngayon sa bansa.
“Happy akong Number 1 na siya,” ani Maine. Ever since, fan ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino. Delicious, tender kasi. Hindi gawa sa inahing baboy, hindi malitid. Hindi lumiliit kapag niluto.”