Naglabas si Labor Secretary Silvestre H. Bello III kamakailan ng mahigit P2 million para sa sahod ng 715 informal sector workers na apektado ng bagyong “Lawin” at “Ineng” sa Ilocos Norte.
“The workers, who are receiving minimum daily wage rate of P280, were engaged for a period of 10 to 15 days in clearing and declogging operations as part of the rebuilding of the affected LGUs. They are from the cities of Laoag and Batac and the municipalities of Bacarra, Badoc, Bangui, Dingras, Marcos, Piddig, Pagudpud, and Nueva Era,” sinabi ni Department of Labor and Employment Region 1 Director Henry John Jalbuena.
Natanggap ng mga manggagawa ang kanilang mga sahod sa idinaos na Tan-ok Festival na ginanap isang buwan pagkatapos tumama si Lawin sa probinsiya.
Bahagi ito ng tulong mula sa DoLE Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD.
Ang TUPAD ay isang emergency employment para sa mga displaced workers, underemployed, at walang trabahong mahihirap sa loob ng 10 araw pero hindi lalagpas sa 30 araw. (PIA)