HINDI lang ang Professional Association of Managers, Inc. (PAMI) ang umaksiyon sa inihaing reklamo ni Ping Medina kaugnay ng nangyaring insidente sa kanila ni Baron Geisler. Pati ang Actors Guild o Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) ay gagawa rin ng aksiyon. Gayun din ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), headed by Liza Dino-Seguerra.
Nagpatawag ng meeting si June Rufino, PAMI president, kung saan napag-usapan ng mga miyembro ang nararapat gawin sa gulong nangyari kina Baron at Ping. Si Arnold Vegafria, ang manager ni Baron, ay PAMI member.
Ayon sa isang insider, hindi diumano mabitiwan ni Arnold ang pagma-manage kay Baron dahil diumano’y nagbabanta ang actor na magpapakamatay kapag iniwan siya ng manager.
“Ang isang taong gustong magpakamatay, hindi nagsasabi. Gagawin nalang niya,” sabi ng source.
Tumatanggi
Nami-miss na ni Romnick Sarmenta ang pag-arte. May mga offer para gumawa siya ng teleserye. Tinatanggihan lang niya.
Binabarat kasi ang kanyang talent fee. Ngaragan sa puyatan at pagod ang taping ng teleserye. Not worth it naman kung binabarat ang kanyang TF.
Hindi feeling whoever si Romnick. ’Yung tamang TF lang para sa kanyang serbisyo bilang isang actor ang hinihingi niya.
Can afford si Romnick tumanggi sa offer dahil may mga negosyo siyang pinagkakaabalahan. Isa na rito ang restaurant business nila ng wife niyang si Harlene Bautista, ang Salu restaurant sa Scout Torillo corner Scout Fernandez, QC.
Lima na ang anak nina Harlene at Romnick. ’Yung panganay ay anak ni Harlene kay direk Rico Gutierrez na parang tunay na anak ang turing ni Romnick. Nagpa-part-time chef ito sa kanilang restaurant.
Ikakasal na
Ikakasal si Maricris Garcia sa non-showbiz boyfriend niya on Dec. 16. Bahagi ng wedding entourage si Aicelle Santos, dati niyang kasama sa La Diva. Hindi imbitado si Jona (dating Jonalyn Viray) na dating ka-grupo nila.
Isang surprise bridal shower for Maricris ang pinamahalaan ni Aicelle. Dumalo sina Regine Velasquez, Max Collins, Rita Daniella, Jaya. among others.
Kailan naman ang wedding bells for Aicelle and GMA TV field reporter na si Mark Sambrano?
Titindi
Ngayong Linggo sa “Relationship Goals” episode ng “Usapang Real Love,” titindi ang away at kumpetisyon nina Kiso (Aljur Abrenica) at Yapi (Janine Gutierrez). Pero hindi nila maitatago ang tunay na nararamdaman nila para sa isa’t isa.
Magkaaminan na kaya? Sino ang makakakuha ng pinag-aagawan nilang posisyon sa kompanya? Tutok lang sa URL at 5 p.m. sa GMA.