CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Nasa mahigit 3,000 tricycle drivers at operators ang patuloy na sumasailaim sa Character Discipline Seminar na isinasagawa ng pamahalaang lungsod ng Calapan.
Ang seminar ay isinasagawa sa loob ng dalawang oras sa iba’t ibang araw ayon sa ginawang shedule ng pamahalaang lokal upang ma-accommodate ang mga driver base sa kanilang numero ng prangkisa.
Pinangangasiwaan ang pagbibigay ng lecture ng City Human Resouce Department at ng Public Safety Department (PSD).
Layunin ng seminar ay ipaalala sa tricycle drivers at operators ang iba’t-ibang ordinansang umiiral at ipinatutupad sa lungsod na malimit na nalalabag.
Nagtatalaga ng 50 drivers/operators kada seminar upang lubos nilang mapag-usapan at mahimay kung paano ba ito tutuparin. Tig-apat na batch o grupo naman kada araw na may kabuoang 200 katao sa loob ng isang araw.