MULA sa pagiging isang simpleng male model at sa pagsali sa ilang male pageants, sinuwerte na maging isang international model at endorser ang 25-year old Pinoy male model na si Job Abogado.
Si Job ang napiling model and face ng kilalang French time piece na Rene Mouris Watches na nagkaroon ng launch kamakailan sa grand ballroom ng City of Dreams.
Ipinanganak at lumaki sa Cabusao, Camarines Sur ang 6’1” model. Dahil sa kanyang towering height at exotic appeal, siya ang napisil para sumali sa ilang local male pageants.
Biggest achievement ni Job ay ang manalo siya sa Gentleman of the Philippines 2016 contest at siya ang naging representive ng Pilipinas sa 4th Mister Model International 2016 sa New Delhi, India.
“Yun po ang pinakamalaking title na napanalunan ko and I am proud to represent our country,” sey pa ni Job.
Bago siya pumasok sa mundo ng modeling, nag-aaral si Job sa Philippine Maritime Institute. Nagkaroon siya ng offers to do ramp and print modeling at naging malaking tulong iyon para sa kanyang pag-aaral.
Ngayon ay natupad na rin ni Job ang kanyang pangarap na maging isang international male model at magandang simula ito sa pag-launch sa kanya bilang mukha ng Rene Mouris Watches.
Hindi raw inaasahan ni Job na mapili siyang mag-endorse ng isang kilalang French timepiece.
“I’m thankful for this blessing. Hindi lahat ng male models nabibigyan ng ganitong opportunity. Kaya sobra akong natuwa noong makita ko na ang face ko na connected sa watch brand na ito,” ngiti pa niya
Dinaluhan ang naturang event ng celebrities, tulad nina Ara Mina, Sunshine Cruz, Sunshine Dizon, Gina Alajar, Geoff Eigenmann, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Angelika dela Cruz, Mika de la Cruz at marami pang iba. (RUEL J. MENDOZA)