HOW true kaya ang tsikang diumano’y nagli-live-in na si Lovi Poe at ang French guy na si Chris Johnson? From the grapevine, diumano’y sa condominium unit ni Lovi sa Global City, Taguig magkasama sila ni Chris.
Baka naman, nag-sleepover lang si Chris? Whatever, hindi pa nga inaamin ni Lovi na officially together sila, live-in agad?
May press release noon ang aktres na lumipat siya ng bahay somewhere sa QC para malapit sa kanyang workplace. Baka naman doon lang siya tumutuloy kapag may taping siya para hindi siya ma-traffic kung manggagaling pa siya sa Taguig.
Ang press release ni Lovi, nagkikita lang sila ni Chris kapag nagpupunta ito sa Pilipinas. Naka-base kasi ito abroad na ewan kung ano ang work nito.
Living-in
Ang kumpirmadong nagli-live-in ay si Rich Asuncion and her Fil-Australian football player boyfriend. Si Rich ang nagsabi nito sa mga nakausap niyang entertainment writers sa isang presscon.
Sa condo unit (o house?) ni Rich nagli-live-in sila ng kanyang boyfriend. “Para makatipid,” ani Rich. Si Yasmien Kurdi ang nagpakilala sa kanila. Neighbor ni Yasmien ang BF ni Rich.
Nag-put up ng nail spa si Rich and her BF at aniya, hands on sila pareho sa nasabing business.
Saka bilang kaabalahan ni Rich sa kanyang acting career at business nila ng kanyang BF, nag-aaral pa siya ng Tourism sa UP. Taga-Bohol siya at aniya, maraming magagandang scenic spots doon na gusto niyang makatulong i-develop para mas lalo pang umunlad ang turismo sa kanyang hometown.
Nasorpresa
Gusto ni direk Jun Lana gumawa pa sila ni Paolo Ballesteros ng maraming projects matapos silang magkatrabaho sa “Die Beautiful.” Aniya, nasorpresa siya sa range ng acting ni Paolo. “Ang galing-galing niya,” ani direk Jun sa presscon.
Aniya pa, ang haba ng pasensiya ni Paolo at never itong nagreklamo. Marami siyang make-up transformations na four hours bago matapos ang bawat transformation. Si Paolo mismo ang nagme-make-up sa sarili niya. “Hirap talaga siya.
Lupaypay,” ani direk Jun.
Hindi niya inisip na makakasali ang “Die Beautiful” sa 2016 Metro Manila Film Festival. “Malaking bagay ’yun para kay Paolo. We’re hoping for the best. Bonus nalang kung magkakaroon kami ng awards.”
Umabot sa one-million views ang launch ng trailer ng “Die Beautiful.” Ayon kay direk Jun, inspired ng pinatay na transgender na si Jennifer Laude ang “Die Beautiful.” “Feeling ko, bilang isang filmmaker ay may responsibilidad akong gumawa ng isang pelikula tungkol sa transgender.”