Nanawagan kahapon kay President Duterte ang isang migrant advocate group na pawalan ang 400 political prisoners na kasapi ng communist movement bilang simbolo ng kabutihang loob sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Sa isang pahayag, sinabi ni Migrante International deputy secretary-general Mic Catuira na ang pagpapalaya sa kanila ay tanda ng pagtupad sa ipinangako ng Government of Republic of the Philippines (GPH) ukol sa usaping pangkapayapaan sa NDFP.
“The release of political prisoners is a major part of the GPH’s political obligation to correct the injustices of previous, as well as proof of its commitment to uphold all previously signed agreements between the GPH and the National Democratic Front of the Philippines, including the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHIHL),” sabi ni Catuira.
“Unless the Duterte government makes good its promise, we have reason to doubt the GPH’s sincerity in the ongoing peace talks with the NDFP,” dagdag pa niya. Ginawa ng Migrante International ang panawagan isang araw matapos ipahayag ni Duterte na iuutos niya ang pagpapalaya sa mga matatanda at sakiting political prisoners tulad ng ipinangako niya sa NDFP peace panel. (Samuel Medenilla)