KUNG saan man naroroon ngayon si German Moreno, tiyak na masaya siya na matagumpay nairaos ang Walk of Fame Philippines sa Eastwood City noong Dec. 1. Dumalo ang halos lahat ng inductees this year. Sina Jackielou Blanco at John Nite ang hosts ng event.
Ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno ang nagpapatuloy ng WOFP, katulong ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan ng yumao niyang daddy. Ipinakilala ni Federico ang bagong board of trustees ng Walk of Fame Foundation of the Philippines Inc. (WOFFPI) na siyang mamimili ng future inductees.
Christmas party
Ipinakilala ang pitong finalists sa “Pinoy Boy Band Superstar” sa Media Christmas Party ng ABS-CBN. Nag-sing-and-dance sila at nagkaisa ang press sa pagsabing sana raw ay huwag nang tanggalin ang dalawa.
Lima lang kasi ang pipiliin na bubuo ng PBBS sa grand finals on Dec. 10 and 11.
Naglaro naman sa “Family Feud” ang mga napiling entertainment writers na mismong si Luis Manzano ang host. Nagbigay pa siya ng R5,000 each sa dalawang team.
Nag-join naman ang ibang press members sa singing contest (“Tawag ng Tanghalan” portion ng “It’s Showtime”) na ang judges ay sina Jaya, Erik Santos at Kyla. Pero ang boto ng press ang pinagbasehan ng nanalo.
Nagpa-raffle ng libu-libong cash prizes. ’Yun nga lang, may mga “luhaan.” Anyway, thank you sa staff ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications headed by Kane Choa and Aaron Domingo at kay Thess Gubi ng Star Magic. Alam mo na.
Bakasyon lang
Hindi itinuturing ni Paolo Ballesteros na blessing in disguise ang six-month suspension sa kanya ng “Eat Bulaga.”
Nakagawa siya ng mga pelikula, isa na ang “Die Beautiful,” entry sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Aniya, baka nagkataon lang na sa tamang panahon ay dumating ang movie offers sa kanya. Sixteen years na siya sa EB at ito ang kanyang priority. Bakasyon lang daw at hindi suspension ang pagkawala niya sa naturang noontime show.
Gustuhin man ng manager niyang si Joji Dingcong tumanggap ng movie offers for Paolo, tumatanggi ito kung may conflict sa schedule nito sa “Eat Bulaga.”
Sa EB siya nabigyan ng pagkakataong maipakita ang talents niya, hanggang nabigyan siya ng biggest break sa pelikula bilang bida sa “Die Beautiful.”
Hindi raw biro ang pinagdaanan niyang hirap sa project na ito. “Physically, emotionally mahirap,” ani Paolo. “Hindi lang ako artista, make-up artist pa. Ako lang mag-isa ang gumawa lahat. Wala akong alalay, walang driver.”