PURING-puri ng “Die Beautiful” director na si Jun Lana at producer na si Perci Intalan ang lead star ng pelikula na si Paolo Ballesteros.
Ayon nga kay direk Jun, “First, I discovered ’yung range niya as an actor, I was surprised. I’ve worked with Paolo before, sidekick, nagpapatawa sa mga films ko. And minsan nakikita ko rin siya sa mga Lenten dramas ng ‘Eat Bulaga.’ Pero hindi ko pa siya talaga nakita in a complex, dramatic role. So, I was surprised doon sa range ng acting niya, ang galing-galing niya.
“I think he’s a true artist, the mere fact na ginagawa niyang canvass ’yung mukha niya sa kanyang makeup transformations. ’Yung passion niya for painting, because he comes from a family of painters di ba, apo nga siya ni Amorsolo e. Iyon din ’yung passion na ibinibigay niya kapag nasa set kami as an actor. Magaling siya sa comedy pero magaling din siyang mag-drama.
“I also love the fact na he’s very professional, ang haba-haba ng pisi ng pasensiya niya sa amin. Kasi magme-makeup siya nang four hours, and then pagkatapos niyang mag-makeup pupunta siya sa set to do a scene. And then buburahin niya ’yung makeup para sa another transformation, that’s another four hours. E kami mas relax kasi naghihintay lang kami sa kanya, pero siya talaga ’yung pagod na pagod sa set. Pagkatapos ng scene kita mong lupaypay talaga siya e, kita mong pagod na pagod siya. Pero pag take ibinibigay niyang talaga lahat.”
Malaki rin daw ang natipid nila dahil si Paolo na mismo ang nagme-makeup sa sarili niya kaya hindi na sila kumuha ng makeup artist.
Dagdag papuri pa ni direk Perci kay Paolo, “Number one, gusto ko ’yung attitude niya kasi ang dali niyang katrabaho, he does his own makeup, ang sipag. In fairness, ang sipag talaga niya kasi kahit ilang transformations, okay lang siya na siya ang nagme-makeup sa sarili niya.
“Tapos ’yung commitment sa role, kasi hindi biro ha, magta-transform ka tapos ’yung iba’t ibang dinadaanan mo at saka ’yung init. Hindi kami nakaranas na may reklamo na, ‘Ayoko na. Ayoko nang gawin ito.’ Wala, walang ganun. So, ang ganda ng attitude tapos nagta-translate sa role, kaya napaka-natural e, parang hindi siya umaarte e. Siguro in-absorb na niya, parang tuwing magme-makeup siya nag-i-internalize na siya.”
Mas may pressure ba sa kanila na nanalo na si Paolo ng Best Actor sa Tokyo International Film Festival at ginawaran pa ang “Die Beautiful” ng Audience Choice award sa nasabing festival?
“Ang pressure sa amin ni Pao hindi ’yung makakuha ulit ng awards e, kasi when we made the film ang primary audience na nasa isip namin is Filipinos. So, ’yung jokes hindi namin in-adjust for Japanese audience, or ’yung bigla kaming nagkaroon ng screening sa Toronto International Film Festival, hindi namin iniisip ‘yung festival audience.
“Nagkataon na nung ginagawa namin dahil nakakapag-festival na ako, tinanong ako ng Tokyo kung meron akong pelikula, pinadala namin. Tapos sobra nilang nagustuhan, so surprised kaming nagustuhan siya sa Tokyo and then na-embrace siya.
So, ngayon kinakabahan kami na sana ma-embrace din dito, mahalin siya ng Filipino audiences in the same manner kung paano siya minahal sa ibang bansa.
“Pagdating naman sa pagiging box-office hit, siyempre we’re hoping for the best. Nung napili nga kami sa Metro Manila Film Festival, tapos sinasabihan kami na kami ’yung isa sa mga ine-expect sa topgrosser, kung among the Top 4 man, ang laking bagay na nun sa amin at tuwang-tuwa na kami,” paliwanag ni Direk Jun.
Ang “Die Beautiful” ay official entry ng Idea First Company at Regal Entertainment Inc. sa 2016 Metro Manila Film Festival at mapapanood ito sa mga sinehan. (GLEN P. SIBONGA)