Winasak kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P3,198,275 halaga ng nakumpiskang chemicals at laboratory equipment na gamit para sa paggawa ng methamphetamine hydrochloride o shabu.
Pinangunahan ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang seremonya sa pagsira ng chemicals at iba pang ebidensyang nasamsam ng mga awtoridad sa mga nagdaang operasyon laban sa droga.
Sa utos ng korte, winasak ang mga nakumpiskang ebidensiya sa Green Planet Management, Incorporated (GPMI) sa Barangay Punturin, Valenzuela City, isang treatment facility na accredited ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinabi ni Lapeña na sinira sa pamapagitan ng chemical treatment ang 583.905 liters ng liquid chemicals na nagkakahalaga ng P811,757.0968 at 61,223.60 grams ng solid chemicals na nagkakahalaga ng P106,922.
Dinurog din ang iba’t ibang laboratory equipment na nagkakahalaga ng P2,279,496 para hindi na muling magamit.
(CHITO CHAVEZ)