By DANTE A. LAGANA
AFTER a week of winning the title, we had a chance to talk to the grand winner of Mr. Body Shots 2016, Renz Maun, the farmer from Nueva Ecija. The model search, hosted by Gwendolyn Ruais and Carlo Maceda, was held last Nov. 30 at Expo Hall, Fisher Mall, QC. Maagang pa-birthday at pamasko kay Renz ang pagkakahirang sa kanya bilang Mr. Body Shots 2016. Sa female division naman ang grand winner ay si Clarice Patrimonio, anak ng retired basketball player na si “The Captain” Alvin Patrimonio.
“Overwhelmed naman po, napakasaya hindi ko akalain. Kumbaga blessed and so lucky,” sagot ni Renz nang atin siyang kamustahin. Hindi raw kaagad nag-sink in ang kanyang pagkakapanalo.
Ayon sa 23-year old tall, dark, and handsome hunk na magdiriwang ng kaarawan niya ngayong Dec. 10, ang pagkakaroon daw ng title ay may kaakibat na responsibilidad. Dapat daw ay magsilbi siyang magandang halimbawa sa iba, stay humble at kailangan ’yung paa’y nasa lupa pa rin. Puro nga ang pasasalamat niya sa Diyos.
Sa mga nakatunggali niya, naging edge raw niya ang experience at naging inspirasyon niya ang sobrang hirap ng buhay para magpursige. Matapos siyang manalo, itutuloy raw niya ang modeling career niya at kung bibigyan ng pagkakataon, papasukin din niya ang pag-aartista. Willing siyang mag-undergo ng acting workshop. Aminado siyang bilang isang probinsiyano, kailangan siyang hubugin at i-develop sa larangang ito.
Bilang premyo, nakuha ni Renz ang gift checks from various sponsors of the event at sigurado namang matatanggap niya ang P100,000 plum from Body Shots producer-actor-director na si Carlo Maceda. He partnered with Ms. Digna Rosales, FDAP president, for this year’s search, Body Shots at 30.
Sa kanyang premyo, matutulungan na ni Renz ang mga magulang niya. Hangad niya ring matulungan ang kapwa niya magsasaka sa bundok ng Pantabangan, Sitio Maluyon, sa Nueva Ecija.
Gaya ng ibang mga kalalakihan sa industriya, nakaranas din daw si Renz ng indecent proposals. Mostly gays ang gustong “makipagkita” sa kanya sa halagang R20,000 pero tinanggihan niya.
“Walang problema po sa akin ang bading basta respeto lang. Marami po akong kaibigang bading. Basta alam kong karespe-respeto, ok good, kaibigan kita. Kapag kaibigan, kaibigan, respetohan lang po. Atsaka kuntento na po ako sa buhay ko. Kung hindi man para sa akin ang showbiz, magwo-work na lang ako dahil may tinapos naman po ako,” sambit pa ng 6 footer Novo Ecijano.
After winning Mr. Body Shots gagawin pa rin niya ang pagsasaka at pagtulong sa nanay niya sa palengke. “Dito ako nagsimula, dito rin ako mamamatay,” katuwiran ni Renz.
Sa pagkapanalo niya, sobra raw proud ang tatay at nanay niya, pati na ang mga kumare’t mga suki ng mother niya sa palengke. Minsan ding hindi naniwala ang tatay niya sa kanyang ginagawa kasi lagi raw natatalo si Renz sa mga sinasalihang competition. Kumbaga naging mailap ang tagumpay sa kanya.
Pero ngayon tuwang-tuwa na raw ang tatay niyang may karamdamang rayuma at hika. “Gusto kong yumaman, gusto kong gumanda ang kapalaran ko para mabilhan ko ng lupa’t bahay ang parents ko dahil nakikitira lang sila,” ani ni Renz.
Todo suporta at naiintindihan din naman ng girlfriend ni Renz sa tinatahak niyang kapalaran.
Nai-share ni Renz na nagkaroon ng magandang samahan o friendship silang mga contestant. Kaya naman nalungkot silang lahat nang maghiwa-hiwalay na sila pagkatapos ng contest.
Wala raw siyang tutol sa mga modelong nagpapa-enhance ng kanilang kaanyuhan. “Kung kaligayahan nila yun, e di ok lang po, wala naman po akong masasabi sa kanila. Ako naman po ay mambubukid na biglang pumasok sa ganyan. Wala na po akong dapat hilingin. Sa akin po, kung ano’ng i-require nilang ipapaayos sa akin, sige, may tiwala naman ako sa kanila. Pero kung sa akin lang, wala na akong ipapaayos,” ani Renz.
Sa aspiring models na sumasali at sasali pa lang sa mga pageant, ito ang advice ni Renz, “Unang-una sa lahat, dapat may hard work, disiplina, tiwala sa sarili, lakas ng loob… huwag kang mahihiya, kung ano ka man, ipakita mo at huwag kang maging plastic. Kung talunan, huwag mawalan ng pag-asa. Magtiyaga lang… next time, ikaw na ang magniningning,” aniya.
Magmula noong nanalo si Renz, nadagdagan na raw ang mga humahanga sa kanya sa Nueva Ecija. Naririnig niyang binabanggit ang pangalan niya sa isang umpukan at may mga nagpapa-picture na sa kanya.
May pahayag din siya sa issue ng droga. “Para po sa akin, ang mga kabataan ay humanap ng libangang nakakabuti sa kanila. Dapat ituon nila ang kanilang oras at pansin sa mabubuting gawain, gaya ng sports, pag-aaral, simbahan, pamilya, pagtulong sa kapwa. Mas masarap ang ngiti na dala ng pagtulong kesa ngiting hatid ng droga.”
After Body Shots, plano niyang sumali sa national male pageant next year. “Kung bibigyan po ako ng pagkakataon isa yan sa mga pangarap ko… na mai-represent ang Philippines. Ang gusto ko po sa Misters of Filipinas. Sa totoo lang inuumpisahan ko na po ang paghahanda ko sa pageant. Tuluy-tuloy lang ang paggi-gym ko. Kahit po ako nag-2nd runner up noong 2013 sa Manhunt sana sa awa ng Diyos ma-represent ko ang Pilipinas sa ibang bansa sa international competition.”
Sino si Renz Maun after winning Mr. Body Shots 2016? “Siya po ang pinakamasuwerte at blessed, parang nanalo sa lotto. Kahit po as Mr. Body Shots 2016 I am still the same Renz Maun, walang nabago,” ang mabilis niyang sagot.