KAPUSO Primetime Queen Marian Rivera has said that there is nothing wrong with breastfeeding or nursing your baby in public.
“Walang masama sa pagpapadede sa anak in public lalo kung may cover naman. Hindi ka siguro nanay o wala ka pang anak kaya hindi mo maiintindihan,” said Rivera in an Instagram post recently.
Rivera, wife of actor Dingdong Dantes, made the post after a netizen called her attention about breastfeeding her daughter Zia in public.
“Hindi magandang mag-entertain ng bisita while she’s breastfeeding, especially sa party. And when she’s finished breastfeeding, pwede na silang dalawa lumabas na mag-ina,” the netizen posted.
Actress Ai-Ai de las Alas, who earlier posted a photo of Rivera breastfeeding her daughter in public with a cover, defended her friend.
“Walang private room doon kasi birthday ng bata sa isang function room… Alangan naman sa CR mo padedehin si Z…
Kaya nga ginawa ‘yung breastfeeding infinity scarf for baby (nursing cover) para sa situations na ganito,” the comedienne said.
“Ang ulirang ina awardee… pure breastfed si baby zia… mabuhay ka kambal… and HAPPY BDAY SA AKING INAANAK NA MAGANDA KAGAYA KO… hehehe @therealmarian,” said De las Alas on her IG post.
Last month, Rivera was named Breastfeeding Influencer and Advocate awardee by Mother and Child Nurses Association of the Philippines, Inc. (MCNAP).
“We salute you for your wonderful work as [a] breastfeeding and loving mother to your daughter Zia. Our admiration goes the same with your husband, Mr. Jose Sixto “Dingdong” Dantes III, for being a supportive husband and loving father,” the letter of invitation read.
After Rivera received the special citation, the actress posted her thoughts about breastfeeding.
“Mahigit 13 years na ako sa industriya ng pagaartista. Sa lahat ng napagdaanan ko, sa lahat ng mga biyayang nabigay sa akin – nagpapasalamat ako. Bukod sa may marangal akong trabaho, doon ko nakilala ang aking naging asawa. At akala ko noon, na ang mga ratings ng programa, awards, o endorsement ay ang kasukatan para maging busog ang iyong bulsa, at magkaroon ka ng self-fulfillment. Pero hindi lang pala iyon.
“Lahat nagbago noong magkaroon ako ng asawa, lalu na nang magkaroon ako ng anak. Walang kahit anung uri ng trabaho, salapi o material na bagay ang makakapantay sa ligaya at kapayapaang bigay ng isang anak – busog na busog ang aking kaluluwa.
“Mas naging makahulugan pa ang aking pagiging nanay dahil kahit noong nagbubuntis ako, sabi ko sa sarili ko, ‘Kahit anung mangyari, ang gusto ko ay sa akin siya kukuha ng gatas niya.’ Naririnig ko noon na mahirap. Masakit.
Nakakapanghina… pero hindi ako natakot.
“Siguro tulad ni Darna, Dyesebel, Marimar at Amaya, naging matapang akong harapin ang pinakamalaking pagsubok na ito – pagsubok sa tunay na buhay na makapagbigay ng gatas sa aking anak.
“At totoo nga. Mahirap. Masakit. Maraming sacrifices – personal man o sa career.
Pero dahil sa pagmamahal ko sa anak ko, na higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili- ginawa ko! Nagawa ko! At patuloy ko pang gagawin!”
“As of today, 368 days na akong nagpapa-dede. Hindi ko magagawa ’to kung wala ang tulong ng mga mahalagang tao kagaya ni Joyce @joyzrnmsnclcibclc aking Mama, ang aking Biyenan at ang aking asawa;”
“Totoong kailangan ang ‘support group’ para padaliin ang tungkulin natin bilang mga Nanay. At dahil sa supportang natanggap ko at sa inspirasiyon na nakuha ko- gusto ko rin magsilbing inspirasiyon sa mga bagong nanay na nagbabalak mag breastfeed.
“Ang blessing na natanggap ko ay gusto kong ibalik sa inyo. Dahil naniniwala akong nasa determinasiyon ang lahat, pagpupursige, supporta ng mga mahal sa buhay at higit sa lahat – ang walang kapantay na commitment at pagmamahal natin sa ating mga anak. YAN ang FORMULA na kailangan!
“Zia – this is for you!”