Bukas na ang pag-anyaya sa mga kabataang manunulat na lumahok sa Pambansang Kampo Balagtas 2017 na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa Buwan ng Panitikan sa Abril 2017.
Gaganapin ang nasabing okasyon sa Orion Elementary School, Orion, Bataan mula 31 Marso–2 Abril 2017.
Ang Kampo Balagtas ay isang pambansang kumperensiya na naglalayong turuan at sanayin sa malikhaing pagsulat ang mga pilíng kabataang manunulat bilang panghihikayat sa kanila na makibahagi sa patuloy na pagpapaunlad at pagpapayaman ng panitikan ng bansa.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Araw ni Balagtas na ginugunita tuwing 2 Abril taon-taon.
Maaaring ipadala ang mga iniscan na kopya, kasama ang opisyal na pormularyo ng paglahok, sa [email protected] o ipadala sa Gusaling Watson, Kalye J.P. Laurel, Malacañang Complex, San Miguel, Maynila. Ang pamasahe, pagkain, at akomodasyon ng mga kalahok ay sasagutin ng KWF.