ANG dating child star na si Anna Larrucea sana ang lead actress sa “Saving Sally,” entry sa 2016 Metro Manila Film Festival. Nag-beg off siya dahil focused siya sa kanyang family life at sa NGO projects. Pinalitan siya ni Rhian Ramos na nag-audition for her role.
Ten years in the making ang “Saving Sally.” She was 19 years old noong nagsimula siyang mag-shoot. Year 2005 inumpisahan ang shooting at naging bahagi siya ng pelikula noong 2010.
Rhian plays Sally, isang estudyante at gadget inventor. Aniya, hindi niya inasahang siya ang mapipili noong nag-audition siya. Maraming showbiz friends niya ang nag-audition.
Hindi rin siya nag-expect na makakasali sa MMFF ang “Saving Sally,” kaya nagulat siya at umiyak noong pumasok ito.
“This project taught me how to make decisions for myself. What I want and I don’t want to do,” ani Rhian.
Umiyak
Umiyak ang director ng “Saving Sally” na si Avid Liongoren noong pumasok ang movie sa MMFF. “It’s an awesome feeling,” aniya. “Feeling ko, nasa beauty pageant kami noong announcement ng official entries. Parang PBB (“Pinoy Big Brother”) eviction night. Kapit-kamay kaming lahat.”
Natagalan bago natapos ang “Saving Sally” sa kakapusan ng budget. May animation kasi at kulang din sila sa tauhan.
Base sa ipinakitang trailer noong presscon, magugustuhan ng mga bata, pati ng mga matatanda ang pelikula. Family entertainment ito. A simple, young rom-com story set in wonderful 2D animation hues.
Ang “Saving Sally” ay graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at PG-13 ng MTRCB (Movie Television Review Classification Board). Tampok din sa “Saving Sally” sina TJ Trinidad, Enzo Marcos, Bodjie Pascua, Shaimane Buencamino, Archie Adamos, Carme Sanchez. Written by Charlene Sawit-Esguerra. Produced by Fullhouse Asia Productions Studios, Inc.
Wagi
Congratulations to John Arcilla and Glaiza de Castro na nanalong best actor at best actress, respectively, sa Gawad Filipino Awards for their performances sa “Encantadia.”
John plays Hagorn, Pirena naman si Glaiza. Best fantaserye naman ang “Encantadia” na napapanood weeknights sa GMA Telebabad.
Magbago na kaya?
Sa episode last week ng “Relationship Goals” sa “Usapang Real Love,” hindi inasahan ni Yapi (Janine Gutierrez) na tutulungan siya ni Kiso (Aljur Abrenica) na malampasan niya ang malaking problemang kinakaharap niya.
Dahil sa ginawa ni Kiso, magbago na kaya ang tingin ni Yapi sa kanya? Maging peace na kaya sila kahit magkalaban sila sa inaasam na posisyon sa trabaho? Tutok lang mamaya sa URL at 5 p.m. sa GMA.