GINAGAWA noon ni TJ Trinidad ang teleseryeng “Zorro” sa GMA7 with Rhian Ramos noong nag-audition siya para sa “Saving Sally.” Aniya, “This film means a lot to me. Ang ganda ng script at story.”
Na-challenge siyang gawin ang movie na may animation at sa kanyang role. Never siyang nanood ng animated movie, kaya sinikap niyang maging natural as possible ang kanyang role. Bad guy at inconsiderate boyfriend ni Rhian si TJ na naging monster.
Si TJ ang nagsabi kay Rhianna mag-audition noong hindi available si Anna Larrucea na unang kinunsider to play the role of Sally. “I told Rhian, perfect siya for the role,” ani TJ.
Ten years siyang nawalan ng kontak sa production staff, kaya hindi niya alam na isinabmit ang movie para sa 2016 Metro Manila Film Festival. “I was shocked and happy na nakapasok ito (sa filmfest),” said TJ sa presscon.
Kalbo na
Si Enzo Marcos ang leading man ni Rhian Ramos sa “Saving Sally.” Long hair pa siya noong gawin niya ang movie at binata pa. Now, kalbo na siya at married with two kids. Kamakailan lamang ay nag-celebrate sila ng wife niya ng kanilang 4th wedding anniversary.
Dati siyang talent ng isang defunct kiddie show. Naging TV reporter din si Enzo. Ngayon ay mas focused siya bilang direktor.
Ani Enzo, nag-e-edit siya ng isang movie noong nalaman niya sa Facebook na pumasok ang “Saving Sally” sa MMFF.
“Parang suntok sa buwan. Hindi namin in-expect, kaya happy kami,” aniya.
Nag-audition siya for his role bilang Marty, an aspiring comic book artist na secretly in love with his best friend (Rhian Ramos as Sally). Ginawa niya ang movie in 2005.
Tuparin sana
Sana’y tuparin ng Noranians ang sinabi nilang susuportahan nila ang “Kabisera” ng idolo nilang si Nora Aunor. Nangako rin ang loyal fans ng superstar na naka-base abroad na magpapadala sila ng financial support para sa block screenings ng pelikulang nakalahok sa MMFF.
Planado na diumano ang gagawin ng fans and supporters ng superstar para hindi mapag-iwanan sa takilya ang “Kabisera.”
Talaga lang, ha? Sana’y hindi hanggang salita lamang ang kanilang suporta.
Magandang Christmas gift kay Guy kung mapapanindigan ng kanyang fans ang ipinangako nilang suporta sa festival movie ng kanilang idolo.
Isa pa ring makakapagpasayasa superstar ay kung magsasama-sama sila ng kanyang mga anak (Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth) at mga apo sa araw ng Pasko. Aniya, nami-miss na niya ang mga ito.