Mahigit sa 1,000 pulis ang itatalaga sa 113 simbahan sa Manila para masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo sa Misa de Gallo na magsisimula sa Biyernes.
Sinabi ni Manila Police District (MPD) director Supt. Joel Coronel na 10 pulis at isang patrol car ang itatalaga kada simbahan mula December 16 hanggang 24.
“That would be 1,113 policemen for the Simbang Gabi alone to ensure the safety and security of our churchgoers,” pahayag ni Coronel.
Ayon pa sa kanya, dadagdagan din ang police visibility sa Divisoria, Binondo, at Quiapo. “We expect close to a million visitors and shoppers arriving in these destinations especially on weekends.
I understand this will escalate on the coming week until Christmas, so I have increased police visibility by 200 personnel,” sabi ni Coronel.
“Alam po natin na maraming tao na magtatangka o gagawa ng masasamang bagay. They will take advantage of the situation.
So paalala lang po sa mga namimili at namamasyal na maging maingat po sa kanilang gamit,” paalala ni Coronel.
Pinayuhan din ni Coronel ang mga tao na huwag nang magsuot pa ng mamahaling alahas at i-display ang kanilang mga kagamitan tulad ng cellphone para maiwasang mamataan ng mga kriminal. (Jaimie Rose R. Aberia)