OPENING day ngayon ng “Mano Po 7: Chinoy” sa mga sinehan nationwide. Pre-Christmas offering ito ng Regal Entertainment. Ayon sa mga nakapanood ng premiere night nito, nagtataka sila kung bakit nalaglag ito sa Metro Manila Film Festival. De kalidad at maganda naman daw ang pagkagawa ng pelikula.
Sa cast members, lumutang ang acting nina Jean Garcia at Enchong Dee. Malakas daw sana ang laban ng mga ito sa best actress at best actor award, respectively. Thankful ang dalawa na na-appreciate ang kanilang performances sa “MP7: Chinoy.”
Thankful din ang mag-inang producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa magagandang comments ng mga nakapanood ng premiere night ng “MP7: Chinoy.” Sana raw ay suportahan ito ng movie-going public.
Balik-pelikula
Balik-pelikula si Eugene Domingo after two years. Huli siyang napanood sa “Barber’s Tale” kung saan nanalo siya ng best actress award sa Tokyo International Film Festival.
“Ang Babae sa Septic Tank 2” ang comeback movie ni Eugene na kalahok sa MMFF. Directed by Marlon Rivera, written by Chris Martinez.
Si Jericho Rosales ang leading man ni Eugene. Sa past movies na ginawa niya ay parati siyang may kissing scenes sa kanyang leading men. Naka-quota na nga si Eugene.
Aniya, surprise kung may kissing scene sila ni Jericho sa ABSST2. Ani Eugene, masarap at magaan katrabaho si Jericho. “He’s very funny. Mapagbiro, kuwela at very cooperative. Masaya kami sa set,” anang komedyana.
Kasama rin sa movie si Joel Torre na ayon kay Eugene ay long-time crush niya. High school pa lang siya’y crush na niya ang actor. Aniya, habang nagkakaedad ito’y lalong nagiging yummy.
Walang expectations si Eugene sa ABSST2. Gusto lang niyang mag-enjoy ang movie-goers dahil laugh trip ito.
Palaban
Okey kay Sanya Lopez magpaseksi sa FHM. Aniya, kailangang paghandaan niyang mabuti ito. “Achievement ’yun,” she said.
Ang kanyang vital stats ay 34-24-34. Carry na, di ba? Si Sanya ang nagsusuot ng pinakaseksing costume sa apat na sang’gre sa “Encantadia.” She plays Danaya na pinakapalaban pa.
Kaabang-abang ang paghaharap ng dating Danaya Sari (Diana Zubiri) at Danaya ngayon. Diana plays Lila Sari na nanganak ng sanggol na babae na pinangalanan niyang Deshu. May kakaiba itong marka, subalit wala itong sumpa.
Samantala, si Mira (Kate Valdez) ang ipinakilala ni Amihan (Kylie Padilla) bilang bagong reyna ng Lireo. Paano na ang tunay niyang anak na si Lira (Mikee Quintos)? Mabawi pa kaya ni Alena (Gabbi Garcia) kay Lila Sari ang brilyanteng tubig?