Nakumpiska ng Quezon City health officials ang 200 kilo ng “double dead” na karne sa palengke ng Balintawak at Novaliches.
Kasunod ng pagkakumpiska, nanawagan kahapon sina Konsehal Victor Ferrer Jr. at Eufemio Lagumbay sa pamahalaang lungsod at iba pang ahensiya ng pamahalaan na paigtingin ang kampanya laban sa pagbebenta ng double dead meat na mas kilala sa tawag na “botcha.”
Sinabi ni Ferrer isusulong niya ang pagbibigay ng mas mabigat na parusa sa mga vendor na patuloy na nagbebenta ng double dead meat. (Chito A. Chavez)