STRONG contenders for best actress award sa Metro Manila Film Festival sina Nora Aunor at Eugene Domingo. ’Yan ang ispekulasyon ng mga nag-aabang sa gaganaping film festival na magbubukas sa Dec. 25. “Kabisera” ang movie ng superstar, “Ang Babae sa Septic Tank2: Forever is not Enough” ang sa komedyana.
Sa Dec. 29 ang Awards Night at magkakaalaman kung sino ang tatanghaling best actress. Sa Dec. 23 ang Parade of Stars na magsisimula sa Quirino grandstand at magtatapos sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila.
Hindi pa tiyak kung makakasama si Nora sa parade dahil aniya, hindi na siya bata at mainit pa.
Hindi ba, may multa kapag hindi nag-join ang lead stars? O, inalis na ang ganitong ruling? Baka naman hindi matiis ni Guy ang kanyang fans and supporters na umaasang masisilayan siya sa parada.
Hindi siya nag-e-expect ng best actress award. Isa sa mga judge ay ang kanyang kaibigan at kumareng si Congresswoman Vilma Santos-Recto. Tumanggi si Guy mag-comment tungkol sa pagiging hurado nito.
R-13 ang ibinigay ng Movie Television Review Classification Board (MTRCB) sa “Kabisera.”
No expectation
No expectation din si Eugene Domingo sa best actress award. Nagkita sila ni Nora Aunor sa kick-off ng MMFF at may kuha pa sila ng picture together na ipinost ni Eugene sa social media.
Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang “Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough,” produced by Quantum Films. Rated PG ito ng MTRCB.
Happy at excited si Eugene sa kanyang comeback movie after two years.
Aniya, kung sinuman sa kanila ni Nora ang magwawaging best actress, magiging masaya siya. O, kahit ibang aktres pa na may MMFF entry. Irerespeto raw niya ang desisyon ng judges.
First Christmas together
First Christmas nina Luis Manzano at Jessy Mendiola bilang couple, kaya sure na happy celebration for them. Pinakilig nila ang audience at televiewers noong nag-guest si Jessy sa “Family Feud,” hosted by Luis.
Kasama ni Jessy ang co-stars niya sa “Mano Po 7: Chinoy” para i-promote ang kanilang movie na showing ngayon sa mga sinehan.
Niyakap ni Luis si Jessy na obvious na kilig-kiligan. Tinanong niya ang GF kung mahal ba siya nito? Umoo siyempre si Jessy.
Napanood kaya ’yun ni Angel Locsin? O, may nakapagsabi sa kanya?
Malamig kaya ang Pasko ng ex-GF ni Luis? O, hindi lang natin alam, baka may magpapainit na rin? Sana naman. She deserves to be happy, too.