MALAPIT sa puso ni Paolo Ballesteros ang “Die Beautiful,” entry sa Metro Manila Film Festival. Tulad ng karak-ter niyang si Tristan, nagsikap siya nang husto para makamit ang pa-ngarap bilang artista.
Simpleng tao lang si Paolo mula sa Nueva Ecija na napadpad sa showbiz. Naging junior host siya sa “Eat Bulaga,” lumabas na kontrabida sa mga teleserye at naging supporting artist sa ilang pelikula.
Malaking bagay ang pagganap ni Paolo bilang lola Tidora sa “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga.” Nagsimulang umingay ang kanyang pangalan. Nadagdagan pa ito nang nadiskubre ang talent niya sa make-up transformation. Pinag-uusapan ang husay ni Paolo here and abroad.
Nagamit ni Paolo ang talent niya rito sa “Die Beautiful” kung saan iba’t ibang make-up transformations ang ginawa niya.
Sa movie, isang bading na may anak ang role ni Paolo. In real life, may anak din siya named Keira. Nakatira ito sa USA with her mom.
Lungkut-lungkutan si Paolo ngayong Pasko dahil hindi niya makakapiling ang kanyang anak. Gustuhin man niyang dalawin ito sa States, wala siyang time dahil busy siya sa promotion ng “Die Beautiful.”
Gusto pa naman ni Paolo mapanood ng anak niya ang kanyang pelikula. Nagpahatid nalang ito ng mensahe na super proud siya of him.
Tampok din sa “Die Beautiful” sina Joel Torre, Gladys Reyes, Luis Alandy, Inah de Belen, Albie Casino. Directed by Jun Lana, produced by Ideal First Company at released ng Regal Entertainment.
True friend
Ayaw sabihin ni Marian Rivera kung magkano ang binayaran niyang hospital bill ng friend niyang si Boobay. Na-stroke ito at na-confine sa St. Luke’s Hospital, Global City. Ani Marian, ang mahalaga’y nakatulong siya sa kanyang kaibigan.
Truly, she’s a friend in deed and in need. Getting better na ang kundisyon ni Boobay na nagpapagaling na sa kanyang bahay. Ang partner niyang physical therapist ang nag-aalaga at nagte-therapy kay Boobay.
Pinayuhan
Nag-taping na si Jennylyn Mercado at ang baguhang partner niya sa “My Love from the Star” na si Gil Cuerva. Bago sila nag-taping, nag-bonding muna silang tatlo ng director nilang si Joyce Bernal.
Nagmerienda sila, tsika-tsika para maging komportable sila sa pagtatrabaho. Pinayuhan ni Jen si Gil na ituloy lang ang craft na gusto nito. Mahalin ang trabaho dahil kapag minahal niya ang trabaho, babalik din ito sa kanya.
Hawig kay Borgy Manotoc (noong kabataan niya) si Gil na isa ring ramp model. Suwerteng pumasa siya sa audition para makapareha ni Jennylyn.