CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Dahil sa malimit na brownouts na nararanasan sa lalawigan partikular sa ikalawang distrito, magsasagawa ng pagsusuri o pag-imbestiga ang Sangguniang Panalalawigan (SP).
“What I do understand is that experiencing power outages on a regular basis is downright annoying and frustrating, and the continued lack of a clear, specific and sustainable plan to address the issue of the power infrastructure sector is most unusual and unacceptable,” ani Vice-governor Humerlito Dolor.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na suplay ng kuryente para sa pangkalahatang pag-unlad ng lalawigan, partikular sa larangan ng komersyo at pamumuhunan.
Kabilang sa mga nagsusuplay ng kuryente sa iba’t ibang panig ng lalawigan ang Linao Cawayan Mini-Hydro, GBH Power Resources, OrMin Power, Power One Corporation at Mindoro Grid Corporation.