Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ang ilang Metro Manila at provincial buses na bumiyahe sa labas na kanilang ruta para maserbisyuhan ang mas maraming pasahero na pupunta ng mga probinsiya para ipagdiwang ang kapaskuhan.
Sinabi ni LTFRB Martin Delgra III na nag-issue na sila ng special permits sa public utility bus (PUB) operators na magpapapasada ng kanilang mga bus sa labas ng kanilang ruta dahil sa inaaasahang pagdagsa ng mga pasahero.
Ayon sa kanya, nakatanggap sila ng 477 applications para sa 1197 PUBs noon pang December 9, at 251 sa mga ito ang naaprubahan.
“We need to finish the processing of special permits before Christmas so passengers would not be affected as well,” ani Delgra.
Ang bisa ng special permits ay mula December 23 hanggang January 3. (Vanne Elaine P. Terrazola)