Isang 18-taong gulang na factory worker ang natagpuang nakabigti sa loob ng comfort room ng kaniyang pinagtatrabahuhan sa Navotas noong isang araw.
Kinilala ng police ang nasawi na si Ana Rose Bancil, a stay-in worker sa L & Y Garments factory na matatagpuan sa 230 Encarnacion Street, Baranga.
Ayon sa mga kasamahan ng biktima, nag-alala sila nang matagal na hindi lumabas ng comfort si Bancil. Nang pumasok sila sa comfort room sa pamamagitan ng pintuan sa likod, nakita nilang nakabigti na si Bansil mula sa kisame gamit ang mga lumang damit.
Nakita sa tabi ng bangkay ng biktima ang isa umanong suicide note para sa kanyang mga magulang at kamag-anak. Ayon sa police, aalamin pa nila kung sulat kamay nga ng biktima ang nakuhang suicide note. (Jaimie Rose R. Aberia)