HAPPY si Solenn Heussaff na finally engaged na ang brother niyang si Erwan kay Anne Curtis na close friend niya.
Magiging sister-in-law na niya ito.
Wala pang detalye kung kailan ang kasal nina Erwan at Anne. Ayon sa isang source, magkakaroon ng dalawang wedding.
Isa sa abroad at isa sa Pilipinas. Hopefully next year na at baka raw summer wedding ’yun.
Wala pa ring balak magka-baby si Solenn and her husband Nico Bolzico. Baka raw after two years pa dahil focused muna si Solenn sa kanyang showbiz career at product endorsements. Latest ang Holiday Ham by CDO Premium. Favorite niya ang ham at ani Solenn, talagang hindi nawawala ’yun tuwing Noche Buena kapag Pasko at sama-sama sila ng kanyang pamilya.
Nadagdag na miyembro si Nico at first Christmas nila ni Solenn ngayon bilang mag-asawa. “We always have cheese, caviar and ham. Pinaka-favorite ko ang ham. I am happy to endorse a product I believe in. Mapili ako sa brand. Gusto ko ’yung real and authentic. Sakto sa panlasa ko ang Holiday Ham. Madali itong i-slice at walang extenders,” ani Solenn.
Kamakailan ay nagpunta siya sa Bukidnon at nag-donate ng isang painting niya sa isang ethnic tribal group. Dumalo ang “Encantadia” star sa 4th Sacred Customary Compact Celebration of Unity and Peace.
Samantala, paigting ng paigting ang mga kaganapan sa “Encantadia.” Nagagalit ang GabRu fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia dahil mukhang piniling mahalin ni Ybarro/Ybrahim (Ruru) si Amihan (Kylie Padilla) kesa kay Alena (Gabbi).
MMFF entries
Maraming Star Magic talents ang may entry sa Metro Manila Film Festival. Kabilang dito sina Julia Barretto, Joshua Garcia at Hashtag member na si Ronnie Alonte. Tampok sila sa “Vince and Kath and James.” Kasama rin ang Star Magic teen stars na sina Maris Rascal at Axel Torres. Kasama rin si Ronnie Alonte sa “Seklusyon” along with Dominic Roque and child star Rhed Bustamante.
Nasa “Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough” si Jericho Rosales with Star Magic Angels na sina Hanna Ledesma at Khalil Ramos.
Nasa “Kabisera” naman sina Jason Abalos at JC de Vera. Nasa “Oro” naman si Joem Bascon.
Ang iba pang festival entries ay “Saving Sally” topbilled by Kapuso star Rhian Ramos, “Sunday Beauty Queen,” at “Die Beautiful.”
Mamayang 1 p.m. ang Parade of Stars. Magbubukas sa mga sinehan ang festival entries on Dec. 25 hanggang Jan. 3. Sa December 29 ang Awards Night.