MIXED emotions si Vhong Navarro sa hindi pagpasok ng “Mang Kepweng Returns” sa Metro Manila Film Festival. Medyo sad siya, pero happy na rin dahil mismong birthday niya on Jan. 4 ang showing ng movie.
Sa presscon ng MKR, pinasalamatan ni Vhong ang producers ng Cineko Productions sa pagpili sa kanya para gumanap bilang Mang Kepweng. Bata pa siya noong napapanood niya ang ilang pelikula ng yumaong komedyanteng si Chiquito na siyang nagpasikat ang karakter na Mang Kepweng.
Nag-research pa si Vhong sa YouTube kung paano ang acting ni Chiquito. Sa MKR, anak ng yumaong Mang Kepweng ang role ni Vhong bilang Kiefer. Ani direk GB Sampedro, hindi ito remake dahil ibang istorya ang MKR. Take-off lang ito sa story ng “Mang Kepweng.”
Ani Vhong, baka blessing in disguise na nalaglag ito sa MMFF. Magandang birthday gift sa kanya na mismong kaarawan niya ipapalabas ang MKR.
Tampok din sa MKR sina Louise de los Reyes, Juancho Trivino, Kim Domingo, Sunshine Cruz, Jaclyn Jose, James Blanco, Valeen Montenegro, Jhong Hilario, Jackie Rice, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Ryan Bang among others.
Perfect choice
Ayon sa producers ng “Mang Kepweng Returns,” unanimous choice nila si Vhong Navarro para sa una nilang film venture.
Perfect choice si Vhong para sa role.
Gusto nilang ipakilala sa millennials kung sino si Mang Kepweng. Anila, marami pa rin ang naniniwala sa albularyo, na nakakapagpagaling ang mga ito ng iba’t ibang karamdaman.
Hataw
Hataw ngayong 2016 ang Star Magic artists sa local at digital concert scene. First concert ni Kim Chiu ang “Chinita Princess The FUNtasy Concert” in April sa Kia theater. First solo concert din ni Xian Lim ang “A Date with Xian,” also sa Kia theater last July 9.
Sa Kia Theater din nag-show si Jona, “Queen of the Night: Jona” on Nov. 25 with Regine Velasquez and Jed Madela.