BUTUAN CITY (PIA) – Sa layuning mapagtibay ang potensyal ng mga miyembro ng Caraga Mindanao Cultural Development Inc., isang indigenous people (IP) youth organization na kinabibilangan ng mga IP youth leaders at communicators, student leaders at muslim young professionals sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa, isinagawa ang dalawang araw na ‘Young Cultural Minority Professionals Forum’ na pinangunahan ng 4th Civil Military Operations (CMO) Battalion, Philippine Army sa Camp Bancasi dito sa lungsod kamakailan.
Ayon kay 4th CMO Battalion commanding officer LTC Rey Pasco, ibig nilang itaguyod ang pagkakaisa at kooperasyon ng tri-culture kabilang ang christians, muslims at IP youth.