Umapaw ang creeks at waterways sa metropolis hindi lamang dahil sa ulan na dala ng bagyong “Nina” kundi dahil sa mga basurang itinapon sa kanal at drainage inlets, ayon sa Metropolitan Manila Development (MMDA).
Inamin ni Tim Orbos, MMDA officer-in-charge, na ang mga nagbarang basura sa waterways ay nagbukas sa kanilang mga mata sa malaking problemang dapat solusyunan ng ahensiya at ng barangay officials.
“Beyond this incident, we really have to be strict in enforcing cleanliness of the waterways that cause not just problem daily but even, even during typhoons,” ani Orbos.
Sinabi ni Orbos na sasabihan niya ang Department of Interior and Local Government (DILG) na patawan ng parusa ang barangay officials na papayagang tapunan muli ng basura ang waterways sa kani-kanilang lugar matapos ang paulit-ulit na paglilinis ng MMDA.
“We intend to meet with barangay officials with the DILG to enforce not just cleanliness of waterways but also illegal parking and dealing with informal settler families living at esteros,” sabi pa ni Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)