Nagsagawa kahapon ng biglaang inspection ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Quezon City Jail bilang pagtugon sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa pangunguna ni BJMP Director Serafin Barretto, isinagawa ang inspection upang masiguro na walang mali sa seguridad na maaaring magdulot ng riot o pagtakas ng mga bilanggo sa panahon ng holiday break.
Sinabi ni Barretto sa kanyang mga tauhan na panatilihin ang pagiging handa ng lahat mga pasilidad na hawak ng BJMP sa buong bansa para maiwasan ang anumang masamang insidente na maaaring gawin ng mga bilanggo sa panahon ng bakasyon.
Sa kanyang mensahe sa mga tauhan ng Quezon City Jail Male Dormitory, inulit ni Barretto na maging masigasig at maingat sa pagbabantay sa mga bilanggo at tingnan din ang kanilang kalusuguan.
“We have to ensure that even we are after their welfare, we should never compromise the security of the facility,” sabi ni Barretto. (Chito A. Chavez)