SOBRANG thankful si Vhong Navarro kay Jaclyn Jose sa pagtanggap nito ng role bilang nanay niya sa “Mang Kepweng Returns.” Sabi raw sa kanya ng premyadong aktres, maraming offers itong tinanggihan. Pero ang MKR ang tinanggap nito.
“Nakakataba ng puso. First time ko siyang nakatrabaho at isang malaking karangalan na Canne’s Film Festival best actress pa siya. Ang sarap niyang katrabaho,” sambit ni Vhong sa presscon ng MKR.
Bukod sa Kapuso actress, nakatrabaho rin ni Vhong sa MKR ang apat pang Kapuso stars na sina Kim Domingo, Louise de los Reyes, Valeen Montenegro at Juancho Trivino. “Masaya silang katrabaho,” ani Vhong. Kahit daw magkaibang network ang pinagtatrabahuhan nila, walang tension at komportable sila sa set.
Opening salvo sa 2017 ang MKR, produced by Cineko Productions and directed by GB Sampedro. Showing on Jan. 4 na mismong birthday ni Vhong. Wish niyang suportahan ito ng moviegoers bilang birthday gift sa kanya.
Proud
Sa Nepal nag-celebrate ng Pasko si Mikael Daez with his brother. Ito ang nagyaya sa kanya. Tahimik na lugar ’yun at walang maraming taong nagpupunta roon.
Ewan lang kung nakasama ni Mikael ang girlfriend at travel buddy niyang si Megan Young. May work daw kasi ito. Malay natin, gumawa ng paraan si Megan para makasama sa kanyang someone special.
Umani nga pala ng papuri si Megan dahil sa hosting niya sa ginanap na Miss World 2016 Pageant sa USA. Hindi man nanalo ang representative ng Pilipinas na si Catriona Gray, super proud of her pa rin si Megan (Miss World 2013).
“It’s only the beginning of great things for this lady I believe. A bump in the road only makes you stronger. So proud of her achievements. Don’t worry, Queen Cat, even us and the whole Filipino community are way beyond proud of you,” post ni Megan sa social media.
Blessed year
Blessed year ang 2016 for Nar Cabico. Matapos siyang tanghaling grand winner sa “Superstar Duets,” kasama naman siya sa “My Love from the Star” topbilled by Jennylyn Mercado and newbie Gil Cuerva. Filipino adaptation ito ng hit series na Koreanovela.
Ani Nar, good year ang 2016 for him. Ang daming blessings na dumating sa kanya, kaya wala na siyang mahihiling pa.
Ang wish niya’y for his struggling close friends. Pinagdaanan din niya ang pinagdaraanan ngayon ng mga ito at gusto ni Nar na mabiyayaan din ang mga ito ng blessings tulad ng nararanasan niya ngayon.