Papangalanan ngayon ng Department of Health (DoH) ang mga lungsod na makakapagtala ng pinakamaraming firecracker-related injuries bilang bahagi ng “shame campaign” ng ahensiya.
“Bukas po ang ating kalihim, kasama ito sa shame campaign, ay magpapahayag ng isang listahan na kung saan ang mga lungsod na may pinakamaraming kaso ng paputok… o mas maraming nadisgrasya ay isasama sa listahan,” sabi ni health spokesperson Eric Tayag.
Layunin ng kampanya na himukin ang local government units na mas tumulong sa paghikayat sa mga mamayan na iwasan ang paggamit ng paputok sa kanilang pagdiriwang.
“May ibibigay kami na bansag sa top five. Sigurado marami ang nagrereact. The shame is itself the punishment. Kasi ano ‘to pride ng city. ‘Di ba gusto mo ‘the greenest city’ o ‘the healthiest city,’” sabi pa ni Tayag.
(Charina Clarisse L. Echaluce)