Ilang araw bago ang pagtatapos ng taon, pinaalalahanan ng Makati City government ang mga residente at negosyante sa tatlong barangay ng lungsod na mahigpit na sundin ang firecracker ban na ipinatupad limang taon na ang nakakaraan dahil sa petroleum pipeline leak sa basement ng West Tower condominium.
Sinabi ni Makati City Mayor Abigail Binay na ang city ordinance na nagbabawal ng fireworks sa mga barangay ng Bangkal, San Isidro at Pio del Pilar ay ipinatutupad pa rin para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Hiniling din ni Binay sa Liga ng mga Barangay na irekomenda sa City Council na magpasa ng ordinance na nababawal ng pagbebenta ng firecrackers at iba pang pyrotechnic materials sa buong lungsod simula sa taong 2017.
“We want a safe, injury-free celebration as we usher in the New Year. I urge Makatizens to do away with dangerous noisemakers and opt for safer alternatives, such as horns and trumpets, especially for young children,” ani Binay. (Anna Liza Villas-Alavaren)