Magtatayo ng ‘Energy City’ ang Philippine National Oil Corporation (PNOC) sa Batangas upang palakasin ang energy reserve ng bansa at hindi na kailangang dumepende sa mga private power supplier.
Ayon kay PNOC President at CEO Reuben Lista, itatayo ang energy city sa 21-ektaryang lupa na pag-aari ng korporasyon na nasa mga bayan ng Bauan at Mabini sa Batangas.
Itatayo umano sa loob ng Energy City ang mga power plant para sa liquefied natural gas na mayroong 98 petajoules o katumbas ng trilyong litro.
Maglalagay din umano rito ng regasification plant, liquefication plant at redistribution upang makatulong sa energy demand ng bansa.
Paliwanag ni Lista, ang pagtatayo ng Energy City ay hindi upang kalabanin ang mga independent power plant na nasa lalawigan ng Batangas kundi ito ay upang magsilbing power reserves na aabot sa 140 hanggang 200 mega watts.