TONIGHT na ang Metro Manila Film Festival Awards Night na gaganapin sa Kia Theater. Matunog si Paolo Ballesteros na mananalong best actor sa performance niya sa “Die Beautiful.”
Nanalo siyang best actor para sa naturang movie sa Tokyo International Film Festival. Bongga kapag nagwagi rin si Paolo sa MMFF.
May mga ispekulasyon namang strong contenders for best actress sina Eugene Domingo for “Ang Babaesa Septic Tank 2: Forever is Not Enough,” Irma Adlawan (“Oro”) at Nora Aunor (“Kabisera”).
Just asking, ano’ng nangyari sa pangako ng Noranians na susuportahan nila ang “Kabisera”? Sa unofficial ranking ng MMFF entries, pang-pito ito. Nasaan ang fans and supporters ng superstar? Hanggang press release lang ba ang mga ito na hindi nila pababayaan ang pelikula ng kanilang idolo? Wala rin itong nakuhang grade mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).
Deadma
Deadma nalang si Janine Gutierrez sa mga nagsasabing edited ang photo niya para sa isang calendar. Marami ang nagdududa sa kanyang sexy photo.
Pero ayon sa photographer na si BJ Pascual na nag-post sa social media ng behind-the-scenes photo ni Janine, walang niretoke sa photo ng Kapuso actress kung saan kitang-kita ang well-toned at magandang hubog ng katawan nito. ’Yun din ang published photo ni Janine sa kanyang endorsement. Ano naman kaya ang reaction ng ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona sa sexy photo ni Janine?
Di nagpakabog
Hindi nagpakabog si Alex Gonzaga sa kanyang ate Toni. Pogi rin ang boyfriend niyang si Mikee Morada tulad ng brother-in-law niyang si direk Paul Soriano.
Super proud si Alex sa kapo-post sa social media ng sweet photos nila ng kanyang boyfie. Para ipakita kaya na kung nakakuha ng poging asawa ang kanyang ate Toni, kaya rin niyang makakuha ng poging boyfriend na eventually magiging husband niya? Ganoon ba ’yun?
Did we hear it right na mula sa isang rich family sa Batangas si Mikee? Kaibigan daw ito ni Piolo Pascual na siyang nagpakilala kina Toni at Mikee.
Nagpa-tattoo
Sobrang napamahal kay Carlo Gonzales ang “Encantadia” at ang karakter niya bilang Muros. Bilang remembrance, nagpa-tattoo si Carlo ng pangalan niya gamit ang ’Nchan, alpabeto ng mga engkantado.
Aniya, favorite show niya ang “Encantadia” at favorite character si Muros. Ipinost niya sa social media ang picture ng bagong tattoo niya na ang caption ay “One of the most painful things I have endured but definitely worth it.”
Extended ang “Encantadia” hanggang February 2017.