ISA sa pinakilala sa horror-thriller film at 2016 Metro Manila Film Festival official entry na “Seklusyon” ay ang volleyball player na si John Vic de Guzman.
Ang direktor na si Erik Matti ang naka-discover kay John Vic at pinag-workshop niya ito para gumanap bilang isa sa deacons sa “Seklusyon.”
Captain ng volleyball team ng College of Saint Benilde Blazers si John Vic, kaya ibang career na ang pinasok niya pagkatapos ng ilang taong paglalaro sa kanyang university at sa national team.
“I really have no acting background. Wala talaga kasi I’m more into sports.
“But direk Erik asked me to audition for the role of Marco. Hindi ko inaasahang papasa ako.
“Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang may ginagawa na akong pelikula tapos pumasok pa sa MMFF,” ngiti pa niya.
Kinabahan si John Vic sa kanyang mga unang araw sa “Seklusyon.” Pero hindi raw niya nakalimutan ang mga natutunan niya sa acting workshop.
“Dahil wala nga po akong acting background, yung mga tinuro sa amin sa workshop ang ginamit ko.
“Gusto ni direk Erik na ilabas ko ang emotions ko through my eyes.”
Graduating na sa kanyang course in Human Resource Management si John Vic. Kaya handa na raw siyang pasukin ang bagong career na pag-aartista naman.
“Since graduating na po ako next year and it’s my last year na rin sa volleyball team at sa national team, I am looking forward na magkaroon tayo ng bagong career, particularly here in showbiz.
“It’s different from where I came from. I’m a fast learner, kaya subukan ko na rin ito,” diin pa niya.
Pang-leading man si John Vic dahil sa height nitong 6’2” at sa kanyang moreno features. Tiyak na maraming puwedeng itambal sa kanya.
Wala na raw girlfriend si John Vic kaya walang magseselos sa kanyang pagpasok sa showbiz. (RUEL J. MENDOZA)