Bubuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Metrobase Command Center para magamit ng Bureau of Fire Protection (BFP) members sa pag-monitor ng mga insidente ng sunog at pagsusunog ng gulong sa buong kamaynilaan mula Dec. 31 hanggang January 1.
Sinabi ni MMDA Tim Orbos na gagamitin ang Metrobase bilang coordinating center ng BFP na siyang responsable para sa monitoring ng New Year’s Eve revelries sa metropolis.
“We will turnover Metrobase so the BFP will be able to monitor activities on national roads. They can put-up, they can assign personnel there or we can just report to them,” pahayag ni Orbos sa isinagawang kauna-unahang coordination meeting ng mga ahensiya ng gobyerno, fire volunteers at rescue groups sa MMDA main office sa Makati City para sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
“Beginning December 31 up the next day, Metrobase will not be under MMDA but government agencies such as Philippine National Police, BFP, DOH, MMDA,” ani Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)