Nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, para sa kanilang biyahe patungo sa mga probinsiya para sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon sa bus terminal employees, libu-libo nang pasahero ang pumipila para makasakay ng bus papuntang mga lalawigan si-mula pa lang ng 8 p.m. ng Huwebes.
Tinatayang nasa mahigit na 10,000 pasahero ang nakasakay na ng bus sa mga bus terminal sa EDSA, Cubao, magmula pa noong Huwebes.
Ang mga pasahero namang galing probinsiya patungong Metro Manila ay na-stuck sa mabigat na daloy ng trapiko sa Balin-tawak Toll Plaza mula pa noong Miyerkules ng gabi, dahilan para maghintay nang matagal ang mga pasahero sa bus terminals.
Base sa report na nakarating kina Councilors Ranulfo Ludovica, Eufemio Lagumbay at Victor Ferrer Jr., naging malala ang daloy ng trapiko dahil nilalabag ng ilang bus drivers ang pangunahing batas trapiko.
Hiniling ng mga konsehal sa local police at Department of Public Order and Safety (DPOS) ng lungsod na arestuhin ang mga drivers na lumalabag sa “nose-in-nose-out policy” para sa mga bus na pumapasok at lumalabas ng provincial bus terminals. (Chito A. Chavez)