Itinakda ng Philippine Rugby Football Union ang nais maabot na pinakamataas na direksiyon para sa 2017 sa pagpaplano sa pagdedepensa ng Volcanoes sa titulo nito sa 29th Southeast Asian Games, at inaasam na mas mataas na medalya para sa Lady Volcanoes.
Napag-alaman kay Jake Letts, head coach ng PRFU national teams, na nakatuon ang kanilang atensiyon sa torneo ng rugby sevens competitions sa kada dalawang taong torneo na gaganapin sa Malaysia sa pagnanais sa Volcanoes na iuwi ang ikalawang sunod na ginto habang asam na ang Lady Volcanoes na mapaganda ang nakamit na ikatlong puwesto sa huling pagsali sa Singapore.
“This year will be another big year for Philippine rugby. We’ll have the SEA Games. We want to ensure that we go back-to-back in the men’s division and we want the women’s team to get one better,” sabi ni Letts, isa din sa miyembro ng Volcanoes.
Matatandaan na kasama ni Letts ang men’s team sa pagdomina sa 2015 edisyon ng SEAG sa Singapore matapos na walisin ang limang laro nito sa preliminaries bago kinumpleto ang misyon sa 24-7 na panalo kontra Malaysia para sa gold medal match.
Itinala naman ng women’s team ang dalawang panalo sa apat nitong laban sa eliminasyon para masungkit ang silya sa bronze medal match bago nagawang magwagi kontra sa Malaysia, 22-0. (Angie Oredo)