Dahil sa matagumpay na kampanyang One Million Lapis, minabuti ng Department of Social Welfare and Development–Mimaropa na ipagpatuloy ang pagtanggap ng donasyong lapis para mas maraming makinabang sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Sa Mimaropa, iniulat ng Regional Sub-Committee on the Welfare of Children (RSCWC) na umabot sa 143,083 ang naipong donasyong lapis para sa mga maralitang mag-aaral.
Target ng kampanya na makapagbigay ng mga lapis sa mga mahihirap na bayan sa bawat lalawigan ng Mimaropa. (PIA)