Para palakasin ang umiiral na smoking ban policy sa mga ahensiya ng gobyerno, inihain ng isang mambabatas ang panukalang batas na nagbabawal sa mga opislyal at empleyado ng gobyerno na manigarilyo sa loob ng kani-kanilang opisina sa oras ng trabaho.
Sinabi ni Kabayan partylist Rep. Harry Roque Jr. na hindi seryosong pinatutupad ng government agencies, kasama na ang Civil Service Commission (CSC), ang circular na nagbabawal sa public servants na manigarilyo.
“This circular appears to have been ignored by smoking public servants either because agencies of the government did not cooperate in implementing the smoking ban or the CSC itself is not too serious in implementing this policy,” sabi niya.
Sa ilalim ng CSC’s Memorandum Circular No. 30, series of 1991, dapat kastiguhin ang violator sa unang beses ng paglabag habang isususpende naman sa pangalawa at dismissal sa trabaho sa ikatlong paglabag.
“It had been previously noted that workers who smoke are proven to be seven percent less productive because of the time they spend on their self-imposed cigarette breaks,” pagdidiin ni Roque.
Sa ilalim ng House Bill 3272 ni Roque, labag sa batas ang paninigarilyo ng sinumang public officer o employee na manigarilyo sa loob ng ahensiyang pinatatrabahuhan sa oras ng opisyal na trabaho. (Charissa M. Luci)