MALAPIT nang ipasa ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang kanyang korona sa bagong itatanghal na Miss Universe sa darating Jan. 30, 2017.
Dito sa Pilipinas magaganap ang 65th Miss Universe Pageant.
Kaya hindi maiwasan ni Pia na maging emotional dahil naging katuparan ng kanyang mga pangarap ang matanghal siyang ikatlong Miss Universe mula sa Pilipinas.
Ayon sa interview ni Pia sa programang “The Journey to the Crown: A Celebration of Beauty” ng ETC channel, ang pagkapanalo niya bilang Miss Universe noong 2015 ay naging sagot sa matagal na niyang pinagdarasal noong nagsimula siyang sumali sa beauty pageant.
Sa mga hindi nakakaalam ay naging bread winner si Pia ng kanyang pamilya.
Hindi nahiyang aminin ni Pia na malaki ang problema nila noon financially. Kaya ang pag-aartista ang una niyang naisipang gawin para pagkakitaan ng pera.
“It was a responsibility, it was hard,” panimula pa ni Pia.
“Because if I don’t do well in this certain project, I’m not gonna get hired again. So iniisip ko palagi na I was the best actress in the world.
“I was very young. I didn’t know what I was doing, but at the back of my mind I had to do well.
“Kasi nape-pressure ako sa mommy ko. Because I felt that if we’re struggling financially, it’s because I’m the one providing.
“But I never blamed anybody for it because I thought it was a pretty cool job.
“So parang iniisip ko okay naman ang ginagawa ko, may pressure nga lang talaga.”
Nagsimula raw ang struggle ng pamilya ni Pia noong maghiwalay ang mommy at daddy niya. Nine years old lang daw siya noon.
“My dad had a business in Germany so, I can say that, compared to my peers, I didn’t have to worry about my future. Pero noong naghiwalay sila, doon na nagbago lahat.
“Nasa Cagayan de Oro kami noon. Tapos hindi na kinaya ng mommy ’yung bahay. Sabi niya, ‘Alis na tayo, punta na tayo ng Manila.’
“Ayaw ko pang umalis, kasi nag-aaral pa ako. Nandoon ’yung mga friends ko,” pag-alala pa ni Pia.
Noong may magsabing sumali siya ng beauty pageant, nagdalawang-isip si Pia dahil ang iniisip pa rin niya ay ang mga gastuhin nila sa bahay.
“Nag-aartista ako noon, so ’pag naging priority ko ang pagsali ng beauty contests, paano na yung pag-aarista ko?
Paano na ’yung bills? Paano na ’yung mga gastusin?
“Maraming nagsasabi, ‘Sumali ka kaya, pwede ka, matangkad ka. ’Di ka pang-showbiz, pang-beauty queen ka!’ Ako naman, natutuwa dun sa idea na… ‘Ay pwede ba?’
“May potential man ako kaya lang hindi ko alam kung paano. Kasi alam ko you have to train for that. And who’s gonna train me? I don’t even know how to start.
Naisipan na lang niya ang pagsali sa beauty pageant dahil hindi na siya nabibigyan masyado ng trabaho sa showbiz.
“I turned down a few projects from ABS-CBN because I wasn’t ready for daring roles.
“So parang walang masyadong nangyayari sa akin, showbiz-wise. And then naglalakad ako sa mall kasama ko ’yung best friend ko. Tapos nakita ako ni Mama J. (Jonas Gaffud).
“Nakilala ko na siya before that at natanong na niya ako dati kung gusto kong sumali.
“Sabi ko, ‘Oh my gosh, salamat at may gagawin ako sa buhay ko.’” ngiti pa niya.
Hindi nga naging suwerte si Pia sa una at pangalawang beses niyang pagsali sa Bb. Pilipinas. First runner-up siya noong 2013 at nasa Top 15 lang siya noong 2014.
Sa ikatlong try ay napagwagian ni Pia ang 2015 Bb. Pilipinas-Universe title at nauwi niya sa wakas ang Miss Universe crown sa Las Vegas, Nevada.
Kung may ibabahagi si Pia sa ibang girls na gustong maging katulad niya, iyon ay ang gawin ang sa tingin nila ang tama.
“When you stop worrying about the little things, stop being technical and just perform and go,” pagtapos pa ni Pia Alonzo Wurtzbach. (RUEL J. MENDOZA)